Abante Tonite Interactive

3 mag-utol wanted sa murder nasakote

399

Nalambat ng mga awtoridad sa Batangas noong Biyernes ang tatlong magkakapatid na may 12 taon nang nagtatago dahil sa kasong pagpatay sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ng pulisya sa Lobo, Batangas ang magkakapatid na sina Angelito, 38; Ronilo, 40; at Juanito Armaento, 37, mga dating nakatira sa Brgy. Cambuga, Mulanay, Quezon at kabilang sa most wanted person sa Lambat Sibat Phase 6 ng Calabarzon Police.

Wanted ang tatlo sa pagpatay sa isang Antonio Dalisay dahil sa awayan sa lupa sa Brgy. Cambuga noong 2007.

Batay sa report ng Batangas Provincial Police Office, sa tulong ng intelligence network at mga residente, natukoy ang pinagtataguan ng tatlo sa bulubundu­king bahagi ng Sityo Lumbangan, Brgy. Balibago sa bayan ng Lobo. (Ronilo ­Dagos)