Abante Tonite Interactive

3 magkakapatid dedo, 1 agaw-buhay sa Sarangani massacre

226

Ni Allan Bergonia

Dead-on-the spot ang tatlong magkakapatid habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pa matapos silang imasaker ng hindi pa nakikilalang suspek sa kanilang bahay sa bayan ng Malapatan, Sarangani kahapon.

Kinilala ni Malapatan Municipal Police Station (MMPS) ang nasawing magkakapatid na sina Jason Ingkong, 25; kapatid nitong si Rolando, 33 at Angelo, 36, pawang mga taga-Barangay Lun Masla, Malapatan, Sarangani Province.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng MMPS, sinabi ni PO2 Ariel Benatero, pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek ang pamamahay ng mga Ingkong at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima.

Dagdag pa ni Bentaero na dead-on-the spot ang tatlo habang isinugod sa Dr. George P. Royeca Hospital (DGPRH) si Marvin Ingkong, 7, matapos tamaan ng bala sa binti.

Sinabi naman ng MMPS na meron na silang ‘person of interest’­ ngunit hindi muna nila ito pinangalanan habang isinasagawa ang manhunt operation upang madakip at malaman ang tunay na motibo ng krimen.