Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 magkakapatid nalunod sa ilog

0 229

Patay ang tatlong magkakapatid na menor de edad matapos malunod sa isang ilog sa Sitio Mag-alambak, Barangay Mantalungon, Dalaguete, Cebu.

Nalunod pasado alas-10 ng umaga kahapon ang dalawang babaeng edad 11 at 9 at isang lalaking 4-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Dalaguete Police Station, nagtungo ang magkakapatid na biktima at dalawa pa nilang utol kasama ang kanilang lolo sa farm field sa harap ng ilog alas-9 ng umaga.

Nagpaalam ang limang bata sa kanilang lolo na uuwi na pero imbes na tumawid lang sa mababaw na parte ng ilog ay nagkayayaan ang mga ito na mag-swimming.

Napunta ang tatlong namatay na biktima sa malalim na bahagi ng ilog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.