3 magkakasunod na lindol naitala sa Mindanao
PROBINSYA
Tatlong pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon sa Mindananao.
Sa talaan ng Phivolcs, tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Davao Occidental alas-kuwatro ng hapon.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 42 kilometer, ang sentro ng lindol ay naramdaman sa Saranggani.
Magnitude 3.0 na lindol naman ang tumama sa Kadingilan, Bukidnon.
Alas-7:45 ng umaga nang maramdaman ang pag-uga, may lalim ito na 7 km at tectonic ang pinagmulan.
Aftershock naman na may lakas na 2.7 magnitude ang naitala sa Makilala, North Cotabato.
Naramdaman ang lindol alas-10:00 ng umaga. Kahit mahina ang pagyanig ay nakapagtala ng Intensity II sa Kidapawan City.
Ayon sa Phivolcs, walang naitalang pinsala at wala ring mga afteshock na inaasahan. (Tina Mendoza)