Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 magkapamilya nalason sa tocino

0 61

TODAS ang isang lalaki makaraan umanong malason sa kinaing frozen food na binili sa palengke noong Huwebes sa Luna, Isabela.

Kinilala ng Luna Police Station (LPS) ang biktima na si Rexon Littaua, 25, ng Dadap, Luna sa nasabing lalawigan.

Ayon sa report ng LPS, noong nakaraang Martes, inulam ng biktima kasama ang mga mag-anak ang frozen meat na umanoy “tocino” na binili sa palengke ngunit pagkalipas ng ilang oras, biglang nanakit ang tiyan ng tatlong miyembro ng pamilya-Littaua kasama si Rexon.

SM food to go Banner Ad

Sa pahayag ng nanay ni Rexon na si Simeona, kinaumagahan matapos maghapunan, hindi pa rin mapigilan ang pananakit ng tiyan ng mga biktima kaya itinakbo na sa ospital ang apo at isa pang anak habang tiniis na lamang ni Rexon ang sakit at hindi na nadala sa ospital dahil sa kakapusan sa pera.

Sa ospital, lumabas sa medical examination sa dalawang biktima na pagkalason ang dahilan ng pananakit ng kanilang tiyan.

Huwebes ng madaling araw, namatay si Rexon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.