Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 magsasaka pinaslang, imbestigasyon tinutulak

0 6

Nanawagan ng malalim na imbestigasyon ang isang mambabatas kaugnay ng pagpaslang sa tatlong magsasaka na iniuugnay umano sa pagsabog ng landmine na ikinasawi ng FEU footballer na si Kieth Absalon at pinsan nito.

Ayon kay House Deputy Minority Leader Carlos Zarate, habang ginigiit ng mga sundalo na mga rebelde ang mga napatay, sinasabi naman ng kanilang pamilya na sila ay mga magsasaka.

SM food to go Banner Ad

“Pagkatapos ng insidenteng ‘yan (landmine explosion) ay nagkaroon din ng mga pagpaslang sa mga magsasaka sa Masbate. Ito naman ay sinabi ng AFP at pinaratangan sila na mga rebelde. Pero ang sabi po ng mga pamilya, ang mga napaslang na mga ito ay magsasaka,” ani Zarate.

“Pinapanawagan din natin na magkaroon ng malalim na imbestigasyon dito at para mabigyan din ng hustisya ang kanilang pagkapaslang,” dagdag niya. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.