Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Maguindanao frontliner tinodas

0 47

Tinutugis na ang grupo ng kalalakihan na suspek sa pagpatay sa tatlong COVID-19 frontliner sa Buluan, Mindanao Huwebes ng gabi.

Patay sina Lucman Rasul, Teng Lawan, at Ilo Lawan, mga residente ng Brgy. Poblacion, at pawang miyembro ng Kabalikat Radio Communication Group na nasa ilalim ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nakaupo umano ang biktima sa kalsada, hindi malayo sa checkpoint nang dumaan ang putting kotse at pinaulanan sila ng bala saka agad na tumakas patungo sa direksyon ng Tacurong City. Dalawa umano sa mga biktima ay agad binawian ng buhay habang ang isa ay nadala pa sa ospital pero pumanaw.

Dahil dito, inalerto na ang lahat ng police unit sa probinsya para matukoy ang mga salarin. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.