Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 matinding laban ni Pacquiao

0 370

Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong matitinding laban ang dapat na abangan mga tropapips sa fighting senator na si Manny Pacquiao.
Pero hindi sa loob ng ring ang dalawa sa tatlong laban ni Pacman kung hindi sa politika. Ang hindi lang natin alam eh kung may babasagin din siyang mukha sa labas ng ring kapag uminit ang ulo niya sa ibang politiko.
Kung may mga boksingero kasi na maruming maglaro, aba’y mas maruming maglaro ang ibang politiko. Ang dami na kayang politikong namatay dahil sa “pananaksak sa likod” ng mga inakala nilang kakampi pero mga taksil at kalaban pala.
Pero hindi sa “saksak” namatay ang mga politikong natraydor kung hindi sa sama ng loob. Bakit ba naman hindi, aba’y pagkakatiwalaan mo ang inakala mong kakampi at bubuhusan mo pa ng limpak-limpak na salaping panggastos. Iyon pala eh hindi gagamitin ang pera para ipanalo ka, kundi ibubulsa lang pala.
Kaya ang resulta, natalo si kandidato, pumaldo ang bulsa ng traydor, kumita pa at nakinabang sa kabila. Samantalang ang politikong nagtiwala, na-stress, na-depress, at na-dead.
Ngayon, inaasahang sa Agosto gagawin ang laban ni Pacquiao sa ibabaw ng ring kontra sa wala pang talo na WBC at IBF world welterweight champion na si Errol Spence Jr.
Hindi biro ang bakbakang ito dahil ito na ang magiging farewell fight ng Pambansang Kamao bago siya tumakbong pangulo sa 2022, na isa pa sa tatlo niyang natitirang laban.
Kailangang manalo si Pacman sa mas batang si Spence para maging maganda ang coverage sa kaniyang magiging farewell speech sa ring. Bukod doon siyempre, magiging maganda sa memory ng mga tao sa kaniyang legacy bilang panaderong payatot noon na naging matagumpay na boksingero, politiko at naging bilyonaryo.
Iyon nga lang, magiging iba ang kuwento at memory ng mga tao kapag natalo siya kay Spence. Baka maging signos pa ‘yon ng magiging laban niya kapag tumakbo nga siyang pangulo sa 2022.
Ang problema, maging pokus kaya at mapaghandaang mabuti ni Pacman ang laban kay Spence dahil mayroon pa siyang isang laban na kailangan munang harapin–ang nominasyon niya sa PDP-Laban para maging standard bearer o pambato ng partido, na partido rin ni President Mayor Digong Duterte.
Bagaman si Pacquiao ang “acting” president ng partido, mukhang hindi naman siya siniseryoso ng iba niyang kapwa opisyal tulad ni Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng partido. Ang masakit, di pa nagsimula ang nominasyon sa magiging standard bearer, “knockout” kaagad si Pacman sa PDP-Laban.
Kelan lang may ipinapatawag na pulong si Cusi na sinasabing may basbas ni Duterte pero hindi aprubado kay Pacquiao. Ang matindi pa nito, may galaw ang ibang kasapi ng PDP-Laban na makaapekto sa pagpili ng standard bearer, at lumabas sa score card— si Tatay Digong ang gustong patakbuhin Vice President, malinaw wala na sa rin si Pacman kahit pa nagpupumilit sumampa sa lona.
Nais ng ilang miyembro na patakbuhing bise presidente si President Mayor Digong, at siya na rin ang pipili ng nais niyang maging standard bearer. Eh papaano kung hindi si Pacquiao ang piliin ng pangulo? Nandiyan si Davao City Mayor Sara Duterte at trusted man na si Senador Bong Go.
Mabuti pa si Senate President Tito Sotto, malinaw na ang desisyon na kapag tumakbo siyang vice president, ang gusto niyang katandem o kandidatong pangulo ay ang kapwa niya macho sa Senado na si Ping Lacson.
Sa darating na July ay inaasahan na magkakaroon ng malaking pulong ang PDP-Laban para pag-usapan ang kanilang liderato. Dito eh posibleng ma-testing ang liderato ni Pacman kung magiging acting-actingan party president pa rin ba siya na ma-knockout siya sa partido. Abangan! Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.