Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 mayor nagsoli ng baril sa sundalo

0 268

LIMANG matataas na uri ng baril ang isinuko ng tatlong alkalde sa Lanao del Sur sa mga sundalo nitong Biyernes.

Mga local chief executives mula sa Buadipuso Buntong, Ditsaan Ramain at Bubong, sa Lanao del Sur ang nagsuko ng mga hindi dokumentadong matataas na uri ng armas.

Sinabi ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command na bahagi ito ng pakikipag-ugnayan nila sa mga lider ng bawat lugar sa pangunguna ni 82nd Infantry Battalion chief Lt. Col. Rafman Altre na tinitiyak ang seguridad sa bawat bayan.

Isinuko ang tig-isang 12-gauge Shotgun, Cal. 50 Sniper rifle, 7.62mm Sniper rifle, 40mm M203 Grenade Launcher, at 40mm m79 Grenade Launcher.

Bukod pa rito ang dalawang low-powered firearms na KG9 9mm submachine gun at isang. 38 revolver. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.