Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 menor de edad sa online sex, nasagip

0 51

Nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong menor de edad na sinasabing biktima ng online sexual exploitation kamakailan sa Dasmariñas, Cavite.

Nabatid kay Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI, ang tatlong kabataan ay na-rescue ng NBI Anti-Human Trafficking Division bunsod na rin ng impormasyon ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Philippine Internet Crimes Against Children Center at saka pinaimbestigahan sa NBI.

SM food to go Banner Ad

Nadiskubre ng NBI na may isang Filipina na nakikipag-ugnayan sa isang US based na lalaki na nagbabayad ng malaking halaga kapalit ng mga Online Sexual Exploitation of Children (OSEC) materials.

Nagsimula umano ito noong 2018 hanggang 2019 kung saan ipinapadala ang mga materyal sa pamamagitan ng Facebook app.

Nalaman na ang isa sa mga biktima ay anak pa mismo ng suspek na Pinay. Natunton naman ng NBI ang dalawa pa sa tulong ng mga opisyal sa pinapasukang paaralan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.