Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 milyon na gumaling sa COVID

0 157

Pumalo na sa 3,012,156 ang bilang ng mga gumaling matapos tamaan ng COVID-19 sa buong bansa, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, Enero 21.

Ito’y 89.7% mula sa kabuuang kaso ng mga pasyenteng nagkaroon ng COVID sa bansa na nasa 3,357,083 base sa pinakahuling tala ng DOH nitong Biyernes.

Nakapagtala naman ng 16,385 pasyente na bagong nakarekober.

Nasa 32,744 naman ang bagong kaso habang 156 ang iniulat na nadagdag sa bilang ng mga nasawing pasyente.

Sa ngayon, nasa 53,309 na ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos dapuan ng coronavirus.

Samantala, mataas pa rin ang bilang ng mga aktibong kaso ng virus sa ban sa na nasa 291,618.

Ayon pa sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Enero 19. Subalit may tatlong laboratory na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.