Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 most wanted timbog sa QC

0 53

Tatlong Most Wanted Persons na may iba’t ibang kaso ang naaresto ng mga awtoridad sa Quezon City nitong Huwebes.

Nadakip ng mga ope­ratiba ng Pasong Putik Proper Police Station (PS 16) ang suspek na si Arvin Pancho, 33, residente ng Brgy. Pasong Putik, Fairview. Si Pancho ay nasa Station Level No. 7 Most Wanted Person at may pending warrant of arrest sa kasong robbery with Violence Against o Intimidation of Person na inisyu ni Judge Snooky Maria Ana Bareno Sagayo ng Valenzuela City.

SM food to go Banner Ad

Habang nadakma ng Batasan Police Station (PS-6) si Jericho Catindoy, 22, ng San Jose, Bulacan alas-8:15 kamakalawa ng gabi sa Project 7, QC sa kasong murder at may warrant of arrest na inisyu ni Judge Caroline Rojas ng Malolos City, Bulacan.

Inaresto rin si Charllene Bayas alyas ‘Bibe’, 23, ng Brgy. UP Campus, QC, bandang alas-dos ng hapon sa Block 54, Brgy. UP Campus ng Project 4 Police Station (PS 8). Naaresto siya sa kasong Qualified Theft at may arrest warrant na inisyu ni Judge Primo Sio Jr. ng QC Regional Trial Court Branch 96. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.