Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 motorsiklo nagkarambola; 2 patay, 5 sugatan

0 177

Patay ang dalawang binata habang sugatan ang lima pa sa karambola ng tatlong motorsiklo sa Sariaya, Quezon noong Huwebes ng hapon.

Isa sa mga nasawi ay si Mico Paulo Javier, 16, na siyang nagmamaneho sa isa sa motorsiklo habang kaangkas ang isa pang menor de edad na si Joshua Villegas Victoria, 16, na nasugatan.

Nasawi rin ang nagmamaneho sa nakabanggaang motorsiklo na si Joseph Peñana, 25 at sugatan ang kaangkas na si Mark Bryan Bico, 24.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report ng Sariaya police, magkasalubong ang dalawang motorsiklo nang magsalpukan sa national road sa Barangay Lutucan Malabag alas-9:00 ng gabi.

Natumba ang motorsiklo ni Peñana at nabangga pa ng kasunod na motorsiklo na minamaneho naman ni Mark Anthony Tolentino Umali.

Isinugod naman sa ibat-ibang ospital ang mga sugatan kabilang ang driver ng ikatlong motorsiklo at dalawang backrider nito na sina Eduel Mayuga Peria, 21, at Cris Mark Amparo Formalejo, 26.

Ayon sa pulisya, pawang walang helmet ang mga biktima nang maganap ang insidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.