Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 munisipalidad sa Bulacan wagi sa SK federation

0 116

BULACAN– Sa layuning pahalagahan ang mga nagawa ng pederasyon ng kabataan sa panahon ng pandemya, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) ang mga proyekto at pagsisikap na ginawa ng mga kasapi ng pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan sa pamamagitan ng ‘Youth Commitment during Quarantine’ (YCQ) online awarding program kamakailan.

Ayon kay Atty. Kenneth Ocampo-Lantin, pinuno ng PYSPESO, nilahukan ang programa na bahagi ng YouthTube (Youth Talakayan, Ugnayan, Balitaan, Etc.) ng 24 na pederasyon ng kabataan sa Bulacan kung saan bawat grupo ay naghanda ng video presentations na naglalaman ng mga proyekto at mga pagsisikap na ginawa nila para tumulong at sumuporta sa kanilang komunidad sa panahong nakapailalim sa enhanced community quarantine ang lalawigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naka-upload ang mga video entry sa facebook page ng PYSPESO at ang may pinakamaraming bilang ng heart reactions ay mananalo at gagawaran ng plake, sertipiko, perang gantimpala at mga kahon ng face masks, face shields at alcohol para sa kanilang komunidad.

Nagkamit ang Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Calumpit sa pamumuno ni SK President Lance De Jesus, kasama si Gng. Lorena Centeno, Local Youth Development Officer (LYDO), ng unang gantimpala na nakakuha ng 4.3K heart reactions at nag-uwi ng premyong P7,000. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.