Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 na-COVID sa kasalan; 200 bisita pinaghahanap

0 214

TATLO katao na dumalo sa isang kasalan sa Binmaley, Pangasinan ang nagpositibo sa coronavirus disease-19 (COVID-19), ayon sa Binmaley Municipal Administration Office (BMAO).

Ayon kay BMAO administrator Diomedes Bonalos, hindi umano naipatupad ang health and safety protocol sa ginawang wedding celebration.

“Mga 200 yata yung kanilang invited guests pero yung kanilang venue, medyo maliit,” ani Bonalos.

“Hindi nasunod talaga yung ating health protocols pati yung organizer, pinag-i-explain namin kasi sila ang nag-organize, hindi nila sinunod ang health protocols,” dagdag pa ng opisyal.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang lokal na pamahalaan sa nangyaring pagtitipon-tipon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.