Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 nabitag sa P1.3M ‘damo’

0 58

Tinatayang 46 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang narekober at tatlo katao ang nadakip sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Bulacan PNP sa Brgy. Bagumbayan, Bocaue, Bulacan kahapon.

Base sa report ng Bulacan PNP, nakilala ang mga nadakip na sina Roberto Valeriano ng Barangay Bagumbayan; John David Valbuena alyas ‘JD’ ng Brgy. Dakila, Malolos City, kapwa nasa PNP-PDEA Unified Drug Watch list, at Ardie Manalaysay, residente rin ng Brgy. Dakila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dakong alas-3:03 kahapon ng madaling-araw nang magkasa ng buy-bust operation ang awtoridad sa tinitirhan ni Valeriano, at nakorner din ang dalawa pang kasama nito.

Nadiskubre umano at nakumpiska sa attic ng bahay ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P1,380,000, weighing scale at mga drug paraphernalia. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.