Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 nadakma sa Marikina buy-bust

0 283

Kulungan ang bagsak ng tatlong suspek matapos makuhanan umano ng aabot sa 170 gramo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City, Lunes.

Nakilala ang mga suspek na sina Jonathan Pulido, 26-anyos; Marifel Estoque, 24, at Aaron Jhon Guiyang, 21, pawang mga newly identified high value individual na inaresto bandang alas-5:50 ng hapon sa Ampalaya St., Barangay Tumana.

Ayon sa report ng Marikina-SDEU, isinagawa ang buy-bust matapos makipagtransaksiyon ang isang pulis sa isa sa mga suspek para makabili ng shabu at nang magkaroon na ng abutan ay doon na sila dinampot.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet at dalawang ice bag plastic na naglalaman ng 170 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,156,000, isang digital weighing scale, pouch at P7,000 boodle money.

Binitbit ang mga nasabat na droga sa crime laboratory habang dinala ang mga suspek sa Marikina City Police Station Custodial Facility at kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.