Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 nanalong kandidato inireklamo sa Comelec

0 72

Inireklamo sa Commission on Elections (Comelec ) ang ilang lokal na opisyal ng Binan City, Laguna na nagwagi sa katatapos na eleksiyon dahil sa malawakan umanong vote-buying noong nakalipas na Mayo eleksyon 2022.

Nabatid na ang reklamo ay isinampa laban kina Binan City Rep. Marlyn “Len” Alonte-Naguiat, Mayor Walfredo Dimaguila Jr. at Vice Mayor Angelo Alonte.

Tumayong complainant sina Michael Gerard Thomas Ponce Yatco, Audrey Amoroso at Christopher Santos.

Bitbit ang anim na kahon ng ebidensiya ang kasong isinampa laban sa mga nanalong kandidato.

Nabatid din na mayroon hindi bababa sa 30 testigo at mga ebidensya gaya ng mga litrato at videos ang mga complainant para patunayan ang alegasyon ng bilihan ng boto sa iba’t ibang barangay sa Binan City.

Tiniyak naman ng kampo ni Alonte na magbibigay sila ng pahayag at haharapin ang kaso.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.