Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 nasukol sa P102K shabu

0 90

Nalambat ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS 14) ang sinasabing No. 9 Station Level Drug Personality kasama ang dalawang kasabwat sa pagtutulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation, Huwebes sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, Station Commander ng PS 14, ang mga suspek na sina Jade Valano, 30-anyos, residente ng Barangay Culiat, kabilang sa drug watch list; Raymond Tilimban, 29, ng Barangay Culiat; at Richard Tionco, 32, ng Barangay Pasong Tamo.

Inaresto ang mga suspek alas-3:40, Hulyo 8 ng hapon, sa Lower Sampalukan St., Barangay Pasong Tamo matapos makatanggap umano ng tip ang mga tauhan ng PS-14 kaugnay sa umano’y pagtutulak ng droga ng mga suspek.

Sa buy-bust, nakumpiska umano mula sa tatlo ang 11 sachet ng shabu na nasa 15 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P102,000, at buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa QC detention cell at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 habang dinala naman ang mga nakumpiskang droga sa QCPD Crime Laboratory Office. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.