Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 nawawalang mangingisda sa Benham Rise nasagip

0 86

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisdang sakay ng naunang iniulat na nawawalang motorbanca sa karagatang sakop ng Benham Rise sa Pandan, Catanduanes.

Natagpuan ng PCG ang nawawalang mga mangingisda na sakay ng distressed motorbanca, F/BCA BENEDECT UNO, apat na oras matapos ang isinagawang search and rescue operations.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Romeo Bernardo, 59; Freddie Lubiano, 54; at si Glen Lopez, 44, na ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Boat Captain Lubiano, nagkaroon sila ng engine trouble habang patungo ng Barangay Napo, Pandan, Catanduanes matapos silang mangisda sa Benham Rise.

Hinila naman ang nasabing bangka sa Barangay Del Norte, Pandan, Catanduanes para ikumpuni.

Leave A Reply

Your email address will not be published.