Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Nigerian timbog sa P10M shabu

0 76

TINATAYANG mahigit sa P10 milyon halaga ng droga at marijuana ang nasabat ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Cavite, Region 1 at 3 na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong Nigerian national sa magkahiwalay na buy bust operation sa Gen Trias City, Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ifeanyl Ofoma, Benjamin Enemuo at Chiduben Nwong, pawang mga Nigerian national ng Gen Trias City, Cavite.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat, alas-8:50 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office III, PDEA RO 1, PDEA RO IV at Cavite Police Office sa Block 01 Lot 89 Kensington Phase 17 Alden St., Lancaster Brgy Navarro, Gen Trias City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto nina Enemuo at Nwong at narekober ang tinatayang 1000 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800,000.

Sa katabi ring apartment, alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang nasabing puwersa sa General Trias City, Cavite na ikinaaresto ni Ofama at narekober ang 500 gramo ng shabu na may street value na P3,400,00 at 5,000 gramo ng marijuana na may street value na P600,000. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.