Abante Tonite Interactive

3 NPA dedo sa sundalo

150

Patay ang tatlong mi­yembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang kanilang engkuwentro kontra sundalo kahapon nang umaga sa Mauban, Quezon.

Sa ngayon ay inalaam pa ang pagkakakilanlan ng mga napatay na NPA. Wala namang nasugatan o nasawi sa panig ng pamahalaan, ayon kay Col. Alex Rillera, commander ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army.

Nabatid na nagsasagawa ng patrol operation ang mga sundalo sa Barangay Abu-Abu kahapon nang makasagupa ng mga ito ang tinatayang 10 rebelde.

Tumagal ng halos 5-minuto ang palitan ng putok ng magkalabang grupo bago nagsitakas ang mga natitirang rebelde bitbit ang kanilang mga nasawing kasama.

Ito na ang ikaapat na engkuwentro ng mga sundalo at NPA sa lugar sa loob lamang ng isang buwan ayon kay Rillera. (Edwin Balasa)