Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 NPA sumuko sa Isabela

0 224

Tatlong sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa Isabela, ayon sa Philippine Military.

Sinabi ni Maj. Gen. Andrew Costelo, acting commander ng Northern Luzon Command, na ang pagsuko ay indikasyon na humihina na ang insurhensya sa Hilagang Luzon.

Dagdag niya, ang dating mga rebelde ay sinuko ang kanila mga armas sa 86th Infantry Battalion sa Joint Task Force Tala sa Sitio Jet, Brgy. Rizal, San Guillermo, Isabela noong Enero 22. Kabilang dito ang “2 m16 rifles with 2 short magazines, 3 long magazine and 26 live 5.56 ammunition.”

Sa isinumiteng report ng Joint Task Group Liberator Commander Brig. Gen. Danilo Benavides, sinasabing ang mga sumuko ay mga miyembro ng Regional Sentro de Gravidad sa Brgy. Villagracia, Maddela, Quirino. Hindi na muna sila pinangalanan habang isinasailalim sa initial debriefing. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.