Abante Tonite Interactive

3 opisyal ng Parañaque gov’t pinuri ni Olivarez

212

Tatlong department head ng Parañaque City government ang pinuri ni Mayor Edwin Olivarez sa kanilang magandang performance nitong na­kalipas na dalawang taon para umangat ang pinansiyal na kakayahan ng lungsod.

Sa kanyang ikaanim na State of the City Address, pinasalamatan ni Olivarez sina City Treasurer Dr. Anthony Pulmano, Business Permit and Licensing Office chief lawyer Melanie Malaya at City Building Office chief Architect Elmor Vita sa kanilang malasakit para umangat ang lungsod at mabigyan ng magandang serbisyo ang mga residente.

“Nakabayad ang pamahalang lungsod nitong taon ng bilyong pisong utang at loans sa mga bangko ng dating administrasyon dahil sa kanilang kasipagan at pag-introduce ng mga bagong progarama para makabayad nang madali at walang hussle ang mga taxpayers,” ayon sa alkalde.

Dahil sa agresibong revenue strategies na ipinatupad ni Pulmano, ang pamahalaang lungsod ngayon ay hindi umaasa sa internal revenue allotment at sa katunayan ay may 84 porsiyento ang kinita ng lungsod mula sa tinatawag na locally ge­nerated income.

Inilunsad naman ni Malaya ang ‘Project Express Lane Operation’ o Project ELO, isang bagong sistema o isang business one-stop shop para mapabilis ang pagbayad at makuha nang mabilis ang mga business permit.

Dahil sa bagong proyekto ng BPLO at sa programa na maging business-friendly ang Parañaque, nadoble ang koleksyon ng business taxes at fees nitong January kumpara sa parehong buwan noong isang taon.

Samantala, ang Office of the City Building naman ay nakakolekta ng P77 milyon noong 2017, at umakyat ito sa P106.9 milyon o halos P30 milyon karagdagan dahil dumami ang aplikante sa building permit at iba pang serbisyo ng naturang tanggapan.

Sa bagong sistema, kailangan na lamang nilang magtungo sa Business One-Stop Shop sa City Hall para mag-apply, magbayad at makuha ang business permit.