Abante Tonite Interactive

3 opisyal ng PNP naghudasan

489

Kung dati ay magkakaibigan itong tatlong opisyal ng Philippine National Police (PNP), ngayon ay mortal na magkaaway ang mga ito.

‘Yun nga lang, hindi sila nagsisikuhan nang harapan kundi ginagawa nila ito nang patalikod. Ang puno’t dulo ng hidwaan, ang kanilang ambisyon.

Tiba-tiba tuloy ang mga PR practitioner dahil sa mga pinapagawang white paper at media operation para lang siraan ang mga taong karibal ng kanilang ambisyon.

Clue: Ang tatlong opisyal ng PNP na nagsisiraan sa isa’t-isa ay humahawak ng mataas na posisyon sa Pambansang Pulisya.