Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 ospital sa Maynila kritikal na

0 82

Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na tatlo sa anim na city-owned hospital ang uma­bot na sa ‘critical level’.

Ayon kay Moreno, iniulat ni Vice Mayor Honey Lacuna na kabilang na ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) sa District 3, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa District 1, at Ospital ng Sampaloc sa District 4 sa mga kritikal na ang lagay.

Nabatid sa ulat nina GABMMC Director Dr. Ted Martin at JJASGH Director Dr. Merle Sacdalan na sobra-sobra na ang pasyente sa naka-alokasyon na bed capa­city para sa COVID-19 cases.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maging ang emergency room at mga inilatag na tent ay puno na rin umano ng pasyente, dagdag ng alkalde.

Nalaman na may mga pasyente na pinauwi na at sa bahay na lamang nila pinakukumpleto ang gamutan para bigyang-daan ang pag-confine sa iba pang pasyente na naghihintay.

May mga health worker na rin anila na nahawa sa virus. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.