Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Pagcor staff sapul ng virus, casino sa Angeles kinandado

0 244

Pansamatalang isinara ang Casino Pilipino sa Angeles City matapos magpositibo sa coronavirus (COVID-19) ang tatlo nitong empleyado.

Ayon kay Mayor Carmelo Lazatin Jr., pinag-utos ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang temporary closure ng nasabing casino.

Ang mga pasyente ay dinala na sa iba’t ibang ospital sa lungsod.

Sabi ni Lazatin, ang mga taong nagkaroon ng close contact sa mga pasyente ay dinala naman City College of Angeles (CCA) para mandatory quarantine and polymerase chain reaction (PCR) testing o swab testing.

Umapela din ito sa kanyang mga kababayan na sumunod sa safety regulation na itinakda ng city government.

Hiniling nito sa mga Angeleños na manatili na lang sa kanilang mga tahanan at huwag nang magbiyahe sa mga lugar na mas mataas ang kaso ng coronavirus lalo na kung hindi naman kinakailangan.

“Hindi po ito panahon ng pagpunta sa mga handaan o pagta-travel kung saan-saan. May COVID pa rin po. Kaya pakiusap po, sumunod tayo sa regulasyon ng pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat,” sabi ni Lazatin.

Sa kasalukyan, nakapagtala na ng 42 kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 11 dito ay aktibong kaso, 27 ang nakarekober at apat naman ang namatay.

“Wearing of face mask is a must, and always observe social distancing when you’re outside of your homes for essential needs and work,” pakiusap pa ni Lazatin sa kanyang mga kababayan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.