Abante Tonite Interactive

3 pambansang atleta huli sa tsuktsakan!

By
3,083

Tatlong pambansang atleta ng isang national sports association ang posibleng mapatalsik at maparusahan dahil sa matinding paglabag ‘di lang sa disiplina at kautusan ng asosasyon kundi pati rin sa namamahalang ahensiya ng sports sa bansa.

“We are still investigating the report,” sabi ng opisyal na pansa­mantalang tumangging pangalanan.

Gayunman, sinabi ng opisyal na inireklamo ng mga batang miyembro ng national pool na siyang nakakita sa ‘milagro’ at nahuli nitong pakikipagtsuktsakan na nangyari sa quarters ng tatlong atleta.

Abante Hiring – IT dep

Agad na kinompronta ng isang mataas na opisyal ng asosasyon, para pagsabihan at pa­galitan, ang tatlong atlet­a pati na sa posib­leng pagpataw ng ma­tinding pagdisiplina.

Gayunman, hindi pa bumabalik at tuluyang umalis o pinaalis ng asosasyon ang nasabing atleta sa tinutuluyang quarters na hindi sinabi kung nakatira pa sa Rizal Memorial Sports Complex, sa PhilSports Arena o sa Athlete’s Camp sa Baguio City.

“I don’t know yet if they are part of the national athletes that will compete in the Asian Games,” sabi ng opisyal. “We still want to get hold of the complete report as well as that of the complaint of junior athletes.”
Hindi maipaliwanag ng opisyal kung bakit tatlo ang nasangkot, o kung tatlong lalaki o tatlong babae ang iniulat.

Mahigpit naman na ipinagbabawal ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) na siyang namamahala sa mga pasilidad sa lugarpampalakasan ang pagpapapasok ng mga hindi pambansang atleta sa athletes’ quarters lalo na ang pagdadala ng alak o bebot.