Abante Tonite Interactive

3 pang inmate sumuko

0 170

Tatlo pang inmates kabilang ang isang lolo na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law (GCTA) ang sumuko sa Southern Police District (SPD) bago ang ibinigay na palugit sa kanilang pagsuko sa Setyembre 16.

Sa isinumiteng report ni Police Col, Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, dakong ala-1:30 kamakalawa nang hapon nang sumuko sa kanila ang 72-anyos na si Oscar Alcido, balo, naka­tira sa F. Victor St., Brgy. 61 Tramo ng naturang lungsod.

Base sa rekord, nahatulan ng habambuhay na pagkakulong si Alcido ng Pasay City Regional Trial Court noong Pebrero 2, 1993 dahil sa kasong Robbery with Double Homicide.

Nakulong siya sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan ng 28 taon bago napalaya sa ilalim ng GCTA nitong Hulyo 25, 2019.

Bandang alas-4:10 kamakalawa nang hapon nang sumuko naman sa Las Piñas City Police si Mario Bernales, 52, na nakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) noong Hulyo 2013 dahil sa kasong Frustrated Homicide, at napalaya nitong Pebrero 27, 2016.

Sumuko rin kamakalawa nang hapon sa Pateros Municipal Police si Florante Besid, na nakulong sa Bilibid dahil sa kasong Rape with Frustrated Homicide.

Pinalaya si Florante sa ilalim ng GCTA nitong Agosto 6, 2019.

Ayon pa sa SPD mula Dorothea Homes II, Brgy. Calublub, Naic, Cavite, ay nagtungo si Bernales sa Las Piñas City Police Station para sa kanyang boluntar­yong pagsuko.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga awtoridad ang pag turn-over sa mga inmate sa NBP.

Magugunitang nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga napalayang inmate na sumuko sa loob ng 15 araw. Nasa 300 bilanggo na ang sumuko. (Armida Rico)