Abante Tonite Interactive

3 pang investment raket tinukoy ng SEC

470

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa tatlo pang investment raket, ang Eco Hatchery/Eco Hatchery and Trading Corp., Inochi/Inochi Rewards, at Champion International Corp/Madenu Champion Marketing International Inc.

Ayon sa SEC, walang lisensiya ang mga nabanggit na kompanya para mag-solicit ng investment at binalaan ng ahensya ang sinomang nag-aahente para sa mga ito na maaaring maharap sa hanggang 21 taong pagkabilanggo o multang aabot ng P5 milyon, o parehong kaparusahan.

Paalala ng SEC, huwag maglagay ng ipon sa Eco Hatchery, Incohi, at Champion.

Para sa sinomang may impormasyon tungkol sa mga ito, maaaring tumawag sa Enforcement and Investor Protection Department ng SEC sa 02-8818-6047, mag-email sa epd@sec.gov.ph o magpunta sa SEC sa Pasay City.
(Eileen Mencias)