Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 pang pagsabog naitala sa Bulkang Taal

0 104

Nakapagtala pa ng 3 magkakasunud na pagsabog sa Taal Volcano at naglabas ng usok na may taas na 100 metro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang maiiksing phreatomagmatic explosion ay naganap alas-10:25 ng umaga, 10:47 ng umaga at alas-11:01 ng umaga. K

Kasabay ng naging pagsabog ay pag-apaw ng volcanic fluids sa main crater at pagbuga ng bulkan ng volcanic sulfur dioxide (SO2).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa nakalipas na 24 hours ay nagkaroon din ng 48 volcanic earthquakes, ang pagyanig ay tumatagal ng 4 minuto.

Ayon sa Phivolcs nanatiling mataas ang SO2 emission na nasa 10,254 tonnes kada araw at nagkaroon din ng volcanic smog.

“All activities on Taal Lake should not be allowed at this time,”dagdag pa ng Phivolcs.

Sa ngayon ay pinaghahanda ng Phivolcs ang mga residente ng Taal Lake sa posibleng evacuation sa oras na magpakita pa ng ibang aktibidad ang Taal. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.