Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 pang paslit na nalunod sa Taal lake natagpuan

0 53

Natagpuan na rin ang katawan ng tatlo pa sa limang bata na nawawala matapos malunod sa bahagi ng Taal Lake sa Batangas City.

Batay sa update ng Philippine Coast Guard (PCG) ,alas-7:45 kahapon ng umaga nang natagpuan ng search and retrieval operations ang 8-anyos na biktima sa lalim na 25 talampakan at 10 metro ang layo mula sa unang biktimang natagpuan kamakalawa.

SM food to go Banner Ad

Kasunod noon, alas-7:50 ng umaga ay narekober din ang katawan ng isang 7-anyos na totoy habang alas-9:47 ng umaga nang matagpuan ang katawan ng isa pang 10-anyos na batang lalaki.

Nauna rito ay unang natagpuan ng PCG- SAR team ang mga labi ng dalawang biktimang babae, isang 8-anyos at isang 12 taong gulang kamakalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.