Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 pang resto bar sa QC pinasara

0 31

Ipinasara ng operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlo na namang restaurant-bars habang 39 katao ang naisyuhan ng Ordinance Violator Receipts (OVRs) dahil sa paglabag sa Quezon City Local Government’s health and safety measures sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa report, ang ipinadlak ay ang Batcave Food/Music Bar sa Visayas Avenue; KARMA sa No. 238 Tomas Morato Ext., Brgy. South Triangle at Guilly’s Island Restaurant and Bar sa #27 Tomas Morato Ave., Sct. Albano, Brgy. South Triangle, Quezon.

Ang nabanggit na resto bars ay lumabag umano sa Quezon City Memorandum on General Community Quarantine (GCQ) Guidelines, na ipinatupad nitong June 16, 2021.

Nitong Huwebes ay ininspeksyon ng mga operatiba ng QCPD at Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang tatlong resto bars upang tiyakin na sumusunod ang mga ito sa protocols ng COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa Guilly’s ay 39 katao ang tinekitan dahil sa paglabag sa health and safety violations gaya ng social distancing, hindi pagsusuot ng facemask at face shield, liquor ordinances at nag-ooperate gayung paso na ang Business Permit.

“The shutdown of three resto bars and the issuance of Ordinance Violation Receipts to 39 Violators are clear manifestations that they deliberately violated the IATF protocols and Quezon City Ordinances. Further, reminded the public to continue adhere the local health policies to prevent the spread of COVID-19 virus.” pahayag ni QCPD P/Brig. Gen. Antonio C. Yarra. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.