Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 partido niluluto alyansa sa Lacson-Sotto

0 108

Kinumpirma ng tanggapan ni Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang pagpupulong ng ilang partido para sa planong pagbuo ng United Philippines alliance.

Si Alvarez ang chairman ng Partido Reporma.

Bukod umano sa kanya, kasama sa pulong sina Nationalist People’s Coalition (NPC) chairman at Senate President Vicente `Tito’ Sotto III, Senador Panfilo `Ping’ Lacson, United Nationalist Alliance (UNA) founder at dating Vice President Jejomar `Jojo’ Binay, UNA secretary general Atty. Clint Aranas, dating Makati City Rep. Monsour del Rosario, at ex-LPGMA Rep. Arnel Ty.

Ayon kay Alvarez, nakatuon ang kanilang pulong sa planong pagbuo ng alyansa.

Samantala, nabatid na tatakbong senador sa 2022 election si Binay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi kahapon ni Sotto na makakasama si Binay sa senatorial lineup nila ni Lacson.

Una nang ibinunyag ni Sotto ang 10 personalidad na kasama sa senatorial ticket ng NPC.

Ang mga nasa listahan ay sina dating senador JV Ejercito; Sorsogon Gov. Francis Escudero; mga kasalukuyang senador na sina Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Joel Villanueva at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri; Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio `Gringo’ Honasan at House Deputy Speaker Loren Legarda.

Kasama rin sa Lacso-Sotto senatorial bet sina sina Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez at dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal. (Erayn Prado/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.