Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 patay sa salpukang trak, trike

0 180

Tatlo ang patay sa dalawang magkahiwalay na aksidente na parehong kinasangkutan ng truck at tricycle sa Maharlika highway sa Gumaca at Calauag Quezon noong Biyernes.

Nangyari ang unang aksidente sa Gumaca alas-10:00 ng umaga nang araruhin ng isang truck na nawalan ng preno ang tatlong tricycle sa Barangay Peñafrancia.

Agad nasawi ang dalawa sa driver ng tricycle na sina Ernie Par, 42 at Niceto Eva Nocus, 62.

Sugatan din ang mga pasahero na sina Agnes Alejo Magdaluyo, 29 at Marilou Atip Canoy, 47 na sakay sa dalawang tricycle.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang driver ng truck na si Jevsle Obnamiga Reyes na taga Catbalogan, Samar.

Samantala, patay din ang tricycle driver na si Jose Ilagan, 56, nang ang tricycle nito ay salpukin ng truck na minamaneho ni Albero Bañes Trampe, 52, taga Jose Panganiban, Camarines Norte, sa Barangay Viñas, Calauag alas 4:30 ng Biyernes ng hapon.

Ayon sa Calauag police, sinakop ng truck ang linya ng tricycle.

Naaresto ng mga pulis ang driver ng truck at sasampahan ng kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.