Abante Tonite Interactive

3-peat bid huhubaran ni Rondina, Petron

301

Babalatan na pangungunahan ni Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina, na Petron ang kampanya para sa three-peat habang tangka ng Foton na masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference prelimina­ries sa Imus City Sports Center.

Maghaharap mamayang alas-4:15 PM ang defending champions at ang binyagang Marinerang Pilipina habang alas-7:00 PM ang bakbakang Tornadoes at Generika-Ayala.

Ibabandera ni Blaze Spikers coach Ceasael delos Santos si reigning UAAP MVP Rondina kasama ang solidong mga kasanggang sina Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Mika Reyes, Bernadeth Pons at Rhea Dimaculangan.

“We have to take care of the dynasty that we worked hard for,” punto ni Delos Santos, na asam masungkit ang three-peat championship ngayong taon.
Susubukan naman ng Foton na makasosyo ang F2 Logistics sa tuktok ng standings tapos ang 17-25, 25-18, 25-16, 25-21 na panalo laban sa Sta. Lucia.

“I don’t want to bank too much on the Santiago (Alayja Daphne at Aleona Denise) sisters. This is a team sport so I told them that we’re not build a star player here, we want to make a star team,” ani Foton coach Aaron Velez. (Fergus Josue, Jr.)