Abante Tonite Interactive

3 petisyon ni Bong Revilla ibinasura ng SC

By
2,946

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang tatlong petisyong inihain ni dating Senador Bong Revilla at pork barrel mastermind ­Janet Lim Napoles na may kaugnayan sa P224.5 milyong plunder case na isinampa sa Sandiganbayan.

Ito ay makaraang katigan ng SC ang mga naunang ru­ling ng Sandiganba­yan noong 2014 na nagsasaad na may matibay na ebidensiya na nagsasangkot kay Revilla, kanyang staff na si Richard Cambe at Napoles na nagsabwatan para sa kasong plunder dahilan para hindi siya payagang maglagak ng piyansa.

Gayunman, nilinaw ng SC na ang pagtanggi na makapagpiyansa ay walang kinalaman sa “guilt” o “innocence” ng akusado.
Kinatigan rin ng SC ang pag-isyu ng Sandiganbayan ng writ of preliminary attachment sa kanyang ari-arian at pera sa banko na nasa ilalim ng kanyang pa­ngalan at misis na si Bacoor City Lani Mercado.

Ibinasura rin ng SC ang kahilingan nito na mailipat siya ng detention cell sa city jail.

Si Revilla at Cambe ay nakadetine sa PNP custodial center sa Quezon City habang si Napoles ay nasa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.