Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3-piece sa Boracay

0 127

Marami ang hindi nakapag-beach nitong summer dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Kaya good news ang hatid ng Department of Tourism kaugnay sa muling pagbubukas ng isla ng Boracay simula October 1.

Isa lang ito sa mga tourist destination na unti-unti nang bubuksan ng DOT sa mga turista para muling manumbalik ang sigla ng negosyo at komersyo.

Welcome sa Boracay ang mga turista mula sa iba’t ibang parte ng bansa. Pero may paalala ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na nakakasakop sa isla. Kailangan pa rin daw sundin ang umiiral na health protocols. Una na riyan ang pagsusuot ng face mask.

Required ito kapag naglalakad-lakad sa tabing dagat, kumakain sa mga bar and resto at sa iba pang mga pampublikong lugar. Ibig sabihin, kapag maliligo lang sa dagat puwedeng alisin ang face mask.

Nang naibalita nga ito – biruan tuloy ng marami – sa halip na 2-piece ang suot ng mga babae sa isla, dapat 3-piece na! Hindi dapat mawala sa inyong to-bring ang face mask.

Dahil required ito, malamang na marami ang gagawa ng mga bathing suit na may terno ring face mask. Kaabang-abang ito. Tiyak akong maraming maglalabasang disenyo ng face mask na ‘in na in’ sa beach.

Bukod sa pagsusuot ng face mask, iginiit din ng Malay LGU na dapat sumunod ang mga turista sa social distancing. Hindi puwede ang kumpulan ng mga tao. Talagang naiiba ito sa nakagawiang eksena sa isla.

Pati ang body massage, pagta-tattoo at piercing, bawal din muna. May physical contact kasi ito sa mga customer, kaya delikado sa banta ng COVID-19 transmission.

Ang sa akin lang, imbes magpa-book ng flights abroad, local tourist destinations gaya ng Boracay muna ang tangkilikin natin. Tulungan muna nating makabangon ang sariling atin bago tayo mamasyal sa ibang bansa. Walang ibang tutulong sa Pilipinas, kundi mga Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.