Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 pinagtripang barilin ng kasalubong

0 290

Nakaratay sa pagamutan ang tatlong lalaki nang pagtripang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek na kanilang nakasalubong sa paglalakad, Lunes ng madaling araw sa Rodriguez, Rizal.

Inoobserbahan ngayon sa East Aavenue Medical Center sa Quezon City dahil sa tinamong

mga bala sina Laurence Villamor; Angelo Rovelo; at Abu Rumasasa, pawang nasa hustong gulang at taga-Barangay San Jose ng nasabing bayan.

Isang manhunt operation naman ang isinagawa laban sa suspek na nakilala lang sa alyas na Bato at Golem.

Ayon sa pulista, ika-2:30 ng madaling araw, naglalakad umano ang tatlong biktima sa Phase 1E Kasiglahan Village, nang makasalubong ang mga suspek..

Isa sa mga suspek ang bigla na lang hinugot ang dalang baril at pagbabarilin ang mga biktima.

Bagamat pawang sugatan ay nagkanya-kanyang takas ang mga biktima habang tumakas din ang mga suspek.

Inalaam pa kung ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril habang pinaghahanap ang mga ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.