Abante Tonite Interactive

3 Pinoy dinukot sa Libya, nakalaya na

258

Ilang buwan matapos gawing hostage, pinakawalan na ang isang South Korean at tatlong Filipino sa Libya.

Nanguna umano ang United Arab Emirates para mapalaya ang mga hostage sa pakikipagtulungan sa Libyan National Army na pinamumunuan ni commander Khalifa Hifter.

Dinukot umano ang apat na biktima ng mga hindi kilalang armadong grupo sa Libya.

Mga civilian engineer umano ang apat at nagtatrabaho sa isang desalination plant sa Libya.