Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Pinoy sinaklolohan sa human trafficking

0 294

Dumating nitong Sabado sa bansa ang tatlong Pilipino na biktima ng human trafficking at pansamantalang kinanlong ng Philippine Embassy sa Damascus, Syria matapos masaklolohan.

Ang mga biktima na pawang babae subalit hindi pinangalanan ay sinalubong ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Tutulungan din sila na magsampa ng kasong kriminal o paglabag sa Anti-Human Trafficking in Persons Act at Migrant Workers Act sa mga nambiktima sa kanila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.