Abante Tonite Interactive

3 PNP exec na sinibak sa golf may basbas ng DILG

269

Binasbasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagsibak ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Francisco Gamboa sa tatlong senior police officer na nahuling naglalaro ng golf habang naka-duty, dahil ang ginawa aniya ng mga ito ay maituturing na ‘serious breach of discipline’.

“Hindi puwedeng kung sino pa ang inatasang magpatupad ng batas ang siya pang sumusuway sa mga simpleng regulasyon. Police service is an honor and privilege that demands commitment at all times, especially that the PNP’s mandate is public safety and order dahil hindi naman natutulog ang krimen,” ayon kay Año.

Binigyang-diin ni Año na ang ‘insubordination’ nina PCol Dennis Artil, PLtCol Richard Bad-ang, at PLtCol Glenn Mayam ay labag sa internal cleansing campaign ng PNP at hindi dapat na kunsintihin.

Batay sa mga official report, ang tatlong Central Visayas PNP official ay nahuling naglalaro ng golf kahit office hours kaya’t awtomatikong ni-relieve ang mga ito sa puwesto. (Dolly Cabreza)