Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3-Point Shootout Charity Virtual Tournament

0 72

THOMPSON 256, CAGUIOA 157

Ipinamalas ni Earl Scottie Thompson ang husay sa electronic sports matapos tambakan ang kakampi sa Barangay Ginebra San Miguel na si Mark Caquiao, 256-157, sa Philippine Basketball Association (PBA) 3-Point Shootout Charity Virtual Tournament.

Handog ng pro league ang bagong proyekto na agad na humatak ng interes mula sa mga kabataang fan ng liga at mga nahihilig sa mga arcade game. Tampok sa tournament-for-cause ang 24 players mula sa 12 miyembrong ball clubs ng liga na mga magsasagupa laban sa bawat isa gamit ang mobile app game PBA Slam.

Ang tagumpay ni Thompson ang nag-usad na sa kanya at team sa semifinals kasama sina Robbie Herndon ng Alaska Milk, Cris Bitoon ng Blackwater, Alvin Abundo ng Magnolia at Kevin Ferrer ng NorthPort.

Unang nagkatapat ang dalawang Gin Kings star, habang sasabak din sina June Mar Fajardo at Von Pessumal ng San Miguel Beer, Paul Lee ng Magnolia na mga labu-pabo sa top prize na P250,000. Idodonasyon ang premyo sa charitable institution na pipiliin ng magwawaging koponan.

Kasali rin sa torneo sina Mike Digregorio ng Alaska, Diego Dario, Roosvelt Adams at Bon Bon Battiler ng Terra Firma, Philip Paniamogan at Kevin Ighalo ng NLEX, Dave Marcelo at Justine Chua ng Phoenix, Lervin Flores at Kib Montalbo ng TNT, Rey Nambatac at Adrian Wong ng Rain or Shine, Paolo Taha ng NorthPort, at Baser Amer at Nard Pinto ng Meralco.

Inilunsad ang event nitong Agosto 28 at gaganapin kada Biyernes, Sabado at Linggo na mapapanood ng live sa PBA Rush simula sa alas-7:00 nang gabi at sa www.pba.ph sa alas-8:00 nang gabi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.