Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 preso pumuga sa Surigao

0 98

Puspusan ngayon ang paghahanap ng mga awtoridad sa tatlong preso na nakapuga mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Cantilan, Surigao del Sur.

Sa ulat ni Col. Joseph Boquiren, Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO) director, hatinggabi nang pumuga ang mga inmates na sina Renwood Baya, Junmar Quezada, at Edgardo Pinoy Jr.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng masusing paghahanap kasabay ng imbestigasyon upang matukoy kung paano nakatakas ang mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Though the BJMP, as a separate agency, has its investigation going on, the SDSPPO, through the local police office in Cantilan, is also looking into the incident,” pahayag ni Boquiren.

Base sa ulat, si Baya ay convicted ng regional court sa kasong carnapping, habang si Quezada ay sa kasong robbery, at si Pinoy ay may kasong rape.

Ipinakalat na rin sa publiko at sa mga social media ang mga larawan at impormasyon sa pagkatao ng mga pugante. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.