Abante Tonite Interactive

3 pulis na naaksidente sa dagat, sinagip ng hinabol nilang drug traffickers

0 465

Nauwi sa pagsagip sa tatlong pulis ng hinahabol nilang mga hinihinalang drug trafficker matapos magsalpukan ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan.

Batay sa Fox News report, nangyari ang insidente sa karagatan ng Costa del Sol sa Spain matapos subukang mahuli ng Spanish maritime patrol agents ang isang bangka na hinihinalang may kargang iligal na droga at may sakay na apat na katao.

Sa nangyaring habulan sa dagat, nagkabungguan ang dalawang bangka na nagresulta sa pagkatilapon ng tatlong pulis sa dagat matapos mawala sa kontrol ang sasakyan ng mga agent.

Isang police helicopter ang nanawagan gamit ang megaphone sa apat na suspected drug traffickers na tulungan ang mga pulis.

Dito iniligtas ng mga suspek ang mga pulis.

Sa kabila ng ginawang pagtulong, inaresto pa rin ang apat na suspek dahil sa drug trafficking.

Narekober ang mahigit tatlong tonelada ng hashish na dala nila na nahulog sa dagat. (IS)