Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 pulis niratrat, patrol car sinunog

0 144

Sugatan ang tatlo sa limang pulis matapos tambangan ang sinasakyan nilang mobile car ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) Lunes ng umaga sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro.

Nagpapagaling ngayon sa Roxas District Hospital ang pulis na sina Police Cpl. Vincent Dominguez; Police Cpl. Michael Librea at Patrolman Norman Alvaro, habang wala namang tama ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Pat. Mevin Galendez at Pat. Mark Joseph Rebugio, pawang nakatalaga sa 403rd B Mobile Company ng Regional Force Battalion 4-B.

Ayon kay Police Lt. Col. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 4-B (MIMAROPA), naganap ang pananambang alas-11:30 ng umaga sa Mabaho Road, Barangay Caballwa.

Lulan ng patrol car ang mga pulis pabalik na ng kampo nang tambangan ng `di pa batid na bilang ng NPA.

Samantala sinunog muna ng mga NPA ang sasakyan ng mga pulis bago nagsialis ang mga ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.