Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 pulis sa tsinuging Koreano arestado

0 36

Kinumpirma ni Manila Police District Director PBGen Leo Francisco na naaresto ang tatlong pulis-Maynila na isinasangkot sa pagpatay sa isang Koreano noong Pebrero 15 sa Maysan, Valenzuela City.

Kinilala ni Francisco ang pulis na sina PCpl Darwin Castillo, PSSG Carl Legazpi at PCpl Samruss Inoc, kapwa mga miyembro ng Roxas Blvd PCP, Malate Police Station 9 sa area ng Baywalk, Maynila na naaresto alas-3:00 ng hapon noong Pebrero 21.

Sinabi ni Francisco na may kinalaman sa pera ang motibo ng pagpaslang sa biktimang si Sunuk Nam, 55, Korean national.

Naaresto ang tatlo nang makipagkoordinasyon sa MPD ang tracker team ng Valenzuela City Police na pinamumunuan ni Major Ferdinand Mendoza kaugnay sa pagkakasangkot ng tatlong pulis sa pagpatay sa Koreano.

Magugunita na si Nam ay natagpuang patay sa harap ng St. Angelus Cemetery Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Maysan, Valenzuela City alas-7:00 ng umaga noong Pebrero 15, 2021. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.