Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 purok sa Kalibo naghigpit sa curfew, liqour ban

0 90

Nagpatupad si Kalibo Mayor Emerson Lachica ng maagang curfew sa tatlong purok ng Kalibo.

Tinukoy ang mga Purok 2, 3 at 4 ng C. Laserna Street na isasailalim sa curfew dahil sa pagdami umano ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa naturang lugar.

Sa inilabas na executive order ng alkalde, nagsimula ang curfew kamakalawa hanggang Enero 30.

SM food to go Banner Ad

Pansamantala ring ipagbabawal ang paglabas ng mga residente sa kanilang mga bahay mula alas-7:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Bukod dito, nagpatupad din ng liqour ban ang alkalde sa mga naturang purok.

Sa datos ng Kalibo Municipal Health Office, sumampa na sa 287 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa kanila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.