Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 PVL venue inaprubahan

0 45

Napipintong makabalik na ang Premier Volleyball League (PVL) sa bubble training nang aprubahan ng Games and Amusements Board (GAB) ang tatlong pasilidad na gagamitin ng bagong professional women’s indoor league.

Pasado kay GAB chariman Abraham Kahlil Mitra Martes ang Ronac Gym sa Mandaluyong, The Arena at Greenhills West Gym na parehong nasa San Juan.

Ang Creamline, BanKo Perlas at Choco Manyo ang mga toking magpraktis sa Ronac, Petro Gazz sa Arena at Peak Form sa Greenhills.

Sa mga headquarter nila sa Fort Bonifacio ang pagsasanay ng Philippine Army at at Philippine Air Force.

“Si Chairman Baham (Mitra) naroon upang makita ang venue, napakalaki ng suporta niya,” sabi ni ni PVL president Richard Palou. “Sa katunayan, inatasan niya ang kanyang team na magbigay ng buong suporta sa mga koponan at liga.” (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.