Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 rebelde tegi sa ratratan

0 50

Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang naganap na engkwenro sa pagitan ng puwersa ng pulisya at sundalo sa boundary ng Albay at Sorsogon sa Bicol region nitong Lunes.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakalilanlan ng tatlong nasawing rebelde na iniwan ng kanilang kasamahan sa lugar ng engkwentro, nakuha din sa mga ito ang dalawang M16 assault rifle, 1 kalibre .45 at mga dokumento ng kanilang samahan.

Sa ulat, naganap ang engkwentro nitong Lunes matapos rumesponde ang pulisya at mga sundalo sa boundary ng Barangay Buenavista sa bayan ng Pioduran, Albay, at Barangay Sta. Cruz sa lalawigan ng Donsol, Sorsogon.

Nakatanggap ng text message ang awtoridad hinggil sa presensya ng mga armadong grupo sa lugar at matapos maberipika ang sumbong ay agad tumulak ang tropa ng gobyerno dahilan ng engkwentro.

Matapos ang may 10 minutong palitan ng putok, nagsitakas ang mga rebelde at iniwan ang tatlong nasawing kasamahan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.